Add parallel Print Page Options

Kanilang nilulukso ang bayan; kanilang tinatakbo ang kuta; kanilang pinagaalambitinan ang mga bahay; sila'y nagsisipasok sa mga dungawan na parang magnanakaw.

10 Ang lupa ay nayayanig (A)sa harap nila; ang langit ay nanginginig; (B)ang araw at ang buwan ay nagdidilim at itinitigil ng mga bituin ang kanilang kislap:

11 At pinatutunog ng Panginoon ang kaniyang tinig sa harap ng kaniyang hukbo; sapagka't ang kaniyang kampamento ay totoong malaki; sapagka't malakas na nagsasagawa ng kaniyang salita; sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dakila at totoong kakilakilabot; at (C)sinong makatatahan?

Read full chapter